Nilinaw ngayon ni dating Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA Chairman Martin Diño na hindi siya sinibak sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos magpalabas ng kautusan ang Pangulo na ibalik na sa administrator ng SBMA ang trabaho at kapangyarihan ng Chairman of the Board of Directors.
Ayon kay Diño, inilipat siya ng Pangulo sa ibang posisyon na naaayon sa kanyang kapabilidad bilang isang dating barangay chairman sa Quezon City.
Giit pa ni Diño, walang katotohanan ang mga ulat na sinibak siya sa puwesto dahil sa korapsyon.
Si Diño ay itinalaga ngayon ng Pangulo bilang Undersecretary for Barangay Affairs ng DILG o Department of Local and Interior Government.
(Ulat ni Aya Yupangco)