Nananatiling nakangiti lamang si Martin Diño matapos mapalitan bilang pinuno ng SBMA o Subic Bay Metropolitan Authority.
Sa kaniyang pagdalo sa anibersaryo ng DOJ o Department of Justice nagpasalamat si Diño sa lahat at masaya aniya siya sa mga nangyayari ngayon.
Si Diño ay nakatakdang magbigay ng pahayag sa media subalit pinigil siya ni VACC o Volunteers Against Crime and Corruption Chairman Dante Jimenez at sa halip ay i-reserba na lamang ang komentaryo nito sa kanilang press conference ngayong araw na ito.
Samantala tumanggi naman si Presidential Spokesman Ernesto Abella na kumpirmahin kung itatalaga si Diño bilang undersecretary ng DILG o Department of Interior and Local Government.
Inihayag naman ni acting DILG Secretary Catalino Cuy na hinihintay nila ang appointment ni Diño bilang Undersecretary for Barangay Affairs na anito’y matagal nang plano.
SMW: RPE