Pinalitan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Martin Diño bilang chairman of the board of directors ng SBMA o Subic Bay Metropolitan Authority.
Ito ay matapos ilabas ng Malakanyang ang bagong appointment letter na nagsasabing si Wilma Eisma na ang chairperson at administrator ng SBMA.
Nauna rito, nilagdaan ng Punong Ehekutibo ang Executive Order (EO) 42 na nagpapawalang bisa sa Executive Order (EO) 340 ni dating Pangulong Gloria Macapagal – Arroyo na naghihiwalay sa trabaho ng chairman at administrator ng SBMA.
Nakasaad din sa kautusan sa ilalim ng Section 13 na ang administrador ng SBMA ay siya ring otomatikong chairman ng board of directors.
Sa ngayon ay wala pang appointment si Diño para sa posibleng bagong posisyon sa administrasyong Duterte.