Aminado si Team Lakay fighter Kevin Belingon na nais niyang makasagupa sa isang rematch si ONE featherweight king Martin Nguyen.
Gayunman, sinabi ng dating undisputed bantamweight champion na haharapin niya muna si Bibiano Fernandes bago umakyat sa mas mataas na dibisyon.
Unang natalo ni Belingon si Fernandes noong 2018 kaya siya naging undisputed champion.
Ngunit na-disqualify naman siya dahil sa illegal strikes nang magtuos muli ang dalawa noong March 2019.