Nalalanghap na sa hilagang bahagi ng Pilipinas ang maruming hangin mula sa China.
Batay ito sa isinagawang pag-aaral ng mga Pilipinong scientist mula sa University of the Philippines’ Institute of Environmental Science and Meteorology.
Sa pangunguna ni Mylene Cayetano, head ng environmental pollution studies laboratory, nakita sa sinuring hangin mula sa Burgos, Ilocos Norte ang PM 2.5 na microscopic particulate matter na mula sa man-made emission gayong wala naman ni isang heavy industries sa naturang bayan.
Tinukoy na ang maruming mga hangin ay posibleng dinadala ng hangin mula sa industrial sites sa Tsina.
Ang mga components na nakuha ay mula sa mga industrial emissions at pagsunog sa solid waste mula sa China ay mayroong lead, cadmium at chemical compounds tulad ng sulfate, nitrate at ammonium na posibleng magdulot nakasasama sa katawan ng tao.