Magbabalik bansa na ngayong araw si Pinay Convict Mary Jane Veloso.
Matapos maiturn-over ng Indonesean government si Veloso sa mga opisyal ng Pilipinas.
Ayon kay BUCOR Director General Gregorio Catapang Jr., diretso si Veloso sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City pagdating nila ng bansa.
Hindi naman pinosasan si Mary Jane habang nasa biyahe pauwi ng bansa dahil hindi naman anila ito kriminal at walang dahilan para tumakbo pa.