Nanawagan si Mary Jane Veloso kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng clemency partikular na ang absolute pardon o tuluyang kalayaan.
Ito’y matapos makabalik sa Pilipinas si Veloso kasunod ng pagkakakulong ng labing apat na taon sa Indonesia.
Ayon kay Veloso, masaya siyang nakauwi na siya sa bansa ngunit ang tanging hiling lamang niya kay Pangulong Marcos ay burahin ang kanyang criminal liablity sa kasalanang hindi naman niya ginawa.
Kaugnay nito, sumailalim na sa medical procedure ang OFW matapos dumating sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong at mananatili roon sa loob ng 60 araw.
Matatandaang inaresto si Veloso sa yogyakarta noong 2010 matapos mahulihan ng 2.6 kilo ng heroin at nahatulan ng parusang kamatayan. – Sa panulat ni Laica Cuevas