Nanawagan si Mary Jane Veloso sa pamahalaan na gawan na ng paraan ang mabilis na pagpapalaya at pagpapauwi sa kanya sa Pilipinas.
Ito ang binanggit ni Mary Jane sa kanyang kapatid na si Darling Veloso sa isang tawag sa telepono.
Ayon kay Darling, labis na ang kalungkutan na nararamdaman ng kanyang kapatid sa Indonesia.
Aniya, walang alam si Mary Jane sa balitang isasalang na sa execution ang 14 na mga bilanggo na hinatulan din ng firing squad sa Indonesia dahil ayaw na nilang mag-isip pa ang kapatid nila.
“Pero ngayon daw po na alam na ng tao na talagang inosente siya bakit daw po hindi pa magawan na ng gobyerno natin na mapauwi siya agad-agad kasi talaga pong lungkot na lungkot na siya, ang totoo po ay wala po siyang alam diyan, kaya hindi na rin po namin in-open sa kanya yan kasi ayaw narin po naming mag-isip pa po siya.” Pahayag ni Veloso.
By Mariboy Ysibido | Balitang Todong Lakas