Ipinagmalaki ng Department of Transportation ang mas bumilis na daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.
Patunay nito ay ang isinagawang speed test ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA kung saan nabawasan ng pitong minuto ang biyahe mula EDSA-Caloocan hanggang Pasay.
Sa unang speed test ng MMDA nuong hulyo, lumalabas na aabutin ng dalawampu’t anim na minuto ang isang sasakyan sa pagtahak sa EDSA mula Monumento sa Caloocan City patungong Roxas Boulevard sa lungsod ng Pasay.
Ngunit nitong Setyembre ay pumalo na lamang ng labing siyam na minuto ang biyaheng Caloocan hanggang Pasay na mas mabilis ng pitong minuto.
Hindi naman malinaw sa ulat kung anong araw isinakatuparan ng MMDA ang naturang speed test.
Tiniyak naman ni Transportation Spokesperson Cherie Mercado, na lalo pa nilang pag-iibayuhin ang mga hakbang upang mabawasan pa ang nararanasang trapik ng publiko.
By Ralph Obina