Nanagawan ng mass hiring ng mga nurses ang Filipno Nurses United (FNU).
Sa harap ito ng kakulangan ng medical workers sa Cebu City na ibinalik sa enhanced community quarantine (ECQ) matapos lumobo ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa syudad.
Ayon sa FNU, mayroong sapat na bilang ng nurses para matugunan ang pangangailangan ng bansa.
Gayunman, dapat rin anilang tiyakin ng pamahalaan ang tamang sweldo na P32,000 bilang minimum entry at iba pang benepisyo tulad ng hazard pay, sapat na personal protective equipment at tamang workload.
Una nang nanawagan ng mass hiring ang Fnu noong Marso subalit ang naging tugon ng Department of Health (DOH) ay isa ring panawagan para sa mga volunteer health warriors na bibigyan ng P500 allowance kada araw.