Ipinatutupad na ang mas istriktong batas na nagbabawal sa sobrang payat na pangangatawan ng mga modelo sa France.
Unang ipinatupad ang batas na nagbabawal sa mga patpating modelo noong 2015 kung saan kinakailangan silang magpakita ng doctor’s certification na nagpapatunay na sila ay malusog.
Ngunit sa inaamyendahang batas, dapat na i-analyze ng isang doktor ang kanilang timbang, edad at body shape upang matukoy kung sila ay hindi sobrang payat at walang sakit.
Ayon sa France Health Ministry, layon nitong labanan ang talamak na eating disorder at bigyan ng katwiran ang tunay na ideya ng kagandahan at kalusugan.
Nakararanas ng anorexia, isang klase ng eating disorder ang 30,000 hanggang 40,000 mga tao sa France kung saan siyamnapung (90) porsyento nito ay mga kababaihan.
Bukod sa France, ipinapatupad din ang kahalintulad na batas sa Italy, Spain at Israel.
By Rianne Briones
Mas istriktong batas vs. sobrang payat na mga modelo epektibo na sa France was last modified: May 8th, 2017 by DWIZ 882