Inihayag ni NPC Commissioner Raymund Liboro na inatasan na niya ang telecommunications providers na paigtingin ang kampanya na labanan ang cybercrime.
Aniya, una nang hiniling ng mga regulators na magkaroon ng sms blasting ang mga telco upang magbabala sa publiko kaugnay sa pag-click o pagbukas ng mga link na nasa spam message.
Ayon sa Globe Telecom at SMART Communications incorporated, bilang hakbang ay ibina-block nila ang mga numero, mensahe at IP adress na nauugnay sa nasabing ilegal na aktibidad.
Samantala, sinabi ni Liboro na asahang sa mga susunod na araw ay mas kaunting sms spam na lamang ang matatanggap ng publiko.—sa panulat ni Airiam Sancho