Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) sa publiko na kanilang pinag-susumikapang mabigyan ng mas kumportableng biyahe ang mga commuter sa bansa.
Ito’y matapos lumabas ang pahayag ukol sa pagkakaroon umano ng ‘mass transport crisis’ sa Metro Manila makaraang sunod-sunod na magkaaberya sa LRT lines 1 at 2 at MRT line 3.
Aminado ang DOTr na 20 taong huli ang Pilipinas pagdating sa transport infrastructure, kaya naman anila sila gumagawa ng mga hakbang at proyekto para makahabol at umunlad ang sektor ng transportasyon ng bansa.
Makikita naman aniya ang pagkilos ng pamahalaan sa paggawa o pagtatayo ngayon ng iba’t-ibang transport infrastructure project tulad ng Metro Manila subway, MRT-7, LRT-1 Cavite extension, LRT-2 East extension, Philippine National Railway (PNR) Clark Phase 1, Common station, PNR Calamba, PNR Bicol, LRT-2 West extension, Subic-Clark railway at Mindanao railway.
Habang nasa 64 naman umano ang airport projects sa buong bansa ang nakumpleto na habang nasa 133 naman na proyekto ang patuloy na ginagawa pa.