Naniniwala si Senator-Elect JV Ejercito na mas darami ang mahihikayat na gumamit ng bisikleta, e-scooter at e-bike bilang alternatibong transportasyon sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Kaya nanawagan si Ejercito, na aktibong siklista at advocate ng active transportation, sa pamahalaan na tiyakin ang mas ligtas na bike lanes.
Dapat anyang tiyakin ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga siklista at scooter rider habang pinagaganda pa ang mass transportation sa bansa.
Ayon kay Ejercito, dapat pangunahan ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-popromote ng bisikleta at scooters at tiyaking mabibigyang prayoridad ang active transportation sa national flagship infrastructure program ng gobyerno.
Umapela naman ang nagbabalik-senadong mambabatas sa LTO na ituloy ang pag-aaral kung paano maituturing ang e-scooters at e-bikes bilang alternatibong transportasyon. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)