Nakiisa ang Commission on Human Rights (CHR) sa panawagan ng gobyerno at ng publiko na magkaroon ng mas ligtas na kapaligiran para sa mga kababaihan.
Kasunod ito ng pagkamatay ni Christine Silawan matapos itong pagsasaksakin at balatan pa ang mukha nito sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, kailangang pagtulungan ng lahat partikular ang mga may mandato sa gobyerno na magkaroon ng ligtas na kapaligiran para sa mga babaeng teenager at ibang bulnerableng sektor.
Dapat na tiyakin anya ng kinauukulan na hindi na mauulit ang nangyari kay Christine.
Pumalag naman ang CHR sa mga akusasyon laban sa komisyon sa kanilang posisyon sa naging brutal na pagpatay sa dalaga.
Paglilinaw ni De Guia, nag-deploy na sila ng quick response team sa Lapu-Lapu City upang mapabilis ang imbestigasyon sa kaso.
Aniya, hangad nila na mapanagot ang mga may sala at maramdaman ng mga ito ang buong puwersa ng batas.
—-