Pinabulaanan ng Malacañang na mas lumala ang smuggling ng bigas sa ilalim ng Aquino administration.
Tugon ito ng Palasyo sa pahayag ni Senadora Cynthia Villar batay sa datos na nakuha mula sa United Nations.
Sinabi ni Presidential communications Sonny Coloma, malaki ang discrepancy ng datos na ipinakita ng Senadora kumpara sa datos ng National Food Authority o NFA.
Katunayan, aniya, ay mahigpit na nakikipagtulungan ang NFA sa Bureau of Customs upang masugpo ang pagpupuslit ng bigas sa bansa.
Sinabi pa ni Coloma na napanatili ng NFA sa loob ng dalawang taon ang suplay ng bigas at sa presyong P17 hanggang P19 kada kilo na indikasyong walang malakihang smuggling operations ng bigas.
By Avee Devierte | Aileen Taliping (Patrol 23)