Hinikayat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga cage owners sa Taal Lake na hanguin nang mas maaga ang kanilang mga isda.
Ginawa ni BFAR regional director Wilfredo Cruz ang panawagan matapos tamaan ng fish kill ang lawa na ikinamatay ng tinatayang 150toneladang tilapia dahil sa kakulangan ng oxygen.
Ayon kay Cruz, bukod dito’y mahina rin ang kalidad ng tubig sa mga barangay ng Manalao, Bañaga at Bilibinwang sa bayan ng Agoncillo; Leviste at Buso-buso sa Laurel; at San isidro, Quiling at Sampaloc sa Talisay.
Magugunitang isiniwalat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na posibleng nakapagpalala pa sa sitwasyon ang maling nakagawian ng mga negosyante tulad ng overstocking at overfeeding.