Tiniyak ng Department of Education (DEPED) ang mas maayos o enhanced quality self-learning module ngayong school year 2021-2022.
Ayon kay DEPED Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, nakipagtulungan sila sa Philippine Normal University sa pagsusuri ng mga learning materials.
Prayoridad din anya ng Bureau of Learning Delivery ang SLM enhancement na layuning magbigay ng mas maayos at magandang bersyon ng learning materials at suporta sa mga guro sa pamamagitan ng notes sa teachers.
Tinapos na rin ng kagawaran ang ikalawang bugso ng quality assurance para sa mga Self-Learning Module (SLM).
Bukas naman ang DEPED error watch para sa mga report hinggil sa mali-maling impormasyon na nakalagay sa module.—sa panulat ni Drew Nacino