Uunahing ayusin ng Department of Transportation o DOT ang power signalling system ng mga tren, bago ang pagtutok sa kontrata ng maintenance providers nito.
Sinabi ni Transportation Usec. for Rails Cesar Chavez na kanila pang hinihintay ang paliwanag ng maintenance providers kung bakit sunod – sunod ang pagtirik ng mga tren ng MRT, nitong mga nakaraang linggo.
Madali naman aniyang ipahinto ang kontrata rito, subalit sa ngayon ay uunahin muna nila ang pagpapabuti sa serbisyong ibinibigay ng MRT.
Sinabi ni Chavez na sa Nobyembre ay maari na rin asahan ng publiko ang mas maayos at maraming tren na bumibiyahe.
“I-enhance ang capacity and power ng MRT. Sa pamamagitan ng pag i-enhance ng power capacity ng MRT, we expect to complete these by November 15, 2017. Yung 16 na old na bagon ay gagawin nating 15 na bagon sa pamamagitan ng pag i-expand from tatlong (3) bagon to four (4) na bagon”, bahagi ng pahayag ni DOT Usec. for Rails Cesar Chavez sa panayam ng DWIZ.
By Katrina Valle | Karambola (Interview)