Tiwala si house committee on ways and means chairperson Joey Salceda na mas mababa pa sa 0.8% ang inflation rate ngayong Oktubre.
Ito ay matapos na rin bumagal sa .9% ang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo noong Setyembre.
Ayon kay Salceda, pangunahing naging dahilan ng pagbaba ng inflation rate ang pagpapatupad ng rice tariffication law na naging dahilan din sa pagbaba ng presyon ng bigas.
Maliban pa aniya rito, wala rin naging direktang epekto sa bansa ang nakaraang pag-atake sa pinakamalaking oil company sa Saudi Arabia.
Gayunman sinabi ni Salceda na inaasahan naman ang bahagyang pagbilis ng inflation sa huling dalawang buwan ng taon dahil sa pagbabawas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa policy rates at reserve requirements.
Gayundin aniya ang pagtaas sa paggasta ng pamahalaan bunsod ng mga hahabuling proyekto na nauna nang nabinbin dahil sa naantalang budget.