Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng mas mababang election related violence ngayong taon na nasa 56.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, mas mababa ito noong 2016 national elections na may 130, maging noong 2019 midterm elections na may 60 election related violence.
Sa bilang naitalang 56 ngayong 2022, 14 ang kumpirmado at validated, 30 ang walang kaugnayan sa halalan at 12 ang iniimbestigahan pa.
Sa 14 na confirmed election related violence, lima ang mula sa Central Luzon, apat sa Ilocos Region, tatlo sa Region 9 at tig-isa sa Region 10 at Cordillera Administrative Region.