Mas mababa ang naitalang kaso ng karahasan laban sa kababaihan at mga bata nitong nakaraang panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ito ay ayon sa Philippine National Police (PNP) kung saan, batay sa datos ng pang-anim na ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kongreso ,naitala ang 521 na kaso ng pang-aabuso sa mga kabataan, habang 763 naman ang mga kababaihang biktima ng karahasan.
Mas mababa pa umano ito ng 44% sa datos noong Enero ng taong 2020 hanggang bago ipatupad ng ECQ.
Ngunit ayon sa women and children advocacy groups, nakababahala pa rin ang nasabing datos.
Anila, posible ring marami pa ang hindi nakakapagsumbong dahil sa takot o dahil walang pagkakataong makapagsumbong.