Naniniwala si House Ways and Means Committee Chair Rep. Joey Sarte Salceda na bababa ang presyo ng mga bilihin ngayong taon.
Kasunod ito ng lalong pagbagal ng inflation o ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong buwan ng Enero.
Nakapagtala ang Philippine Statistic Authority ng 2.8% na inflation na mas mababa sa 3.9 % noong Disyembre at 8.7% noong January 2023.
Kumpyansa ang economist solon na magandang panimula ito ngayong 2024 at may positibong epekto sa paglago ng ekonomiya at sahod, gayunman nanatili pa rin aniya ang ilang hamon. – sa panunulat ni Raiza Dadia ; – sa ulat ni Tina Nolasco ( Patrol 11)