Asahan na ang mas mababang singil sa kuryente ngayong buwan.
Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, wala pa naman silang actual figures kung magkano ang mababawas sa singil sa kuryente.
Gayunman, ipinahiwatig ni zaldarriaga na medyo mararamdaman ng consumers ang naturang power rate cut.
Sinabi ni Zaldarriaga na kadalasang mababa ang singil sa kuryente tuwing Enero matapos ayusin ng power generators ang kanilang outage allowance para sa nakalipas na taon.
Ngayong araw na ito i-aanunsyo ng Meralco kung magkano ang bawas singil sa kuryente.