Posibleng magtagal pa ng hanggang tatlong linggo ang nararanasang mabagal na koneksyon ng internet sa bansa.
Ito ang babala ng dalawang internet service providers o ISP kasunod ng pagkasira ng undersea cable systems ng mga ISP na nakakonekta sa Hong Kong bunsod ng pananalasa ng bagyo sa lugar.
Dahil dito, apektado ang koneksyon ng internet sa iba’t ibang bansa sa Timog Silangang Asya kabilang na ang Pilipinas.
Nangako naman ang ISP na papaspasan nila ang mga ginagawang repair works upang hindi maantala ang serbisyo ng internet sa mga apektadong bansa.
By Jaymark Dagala