Suportado ng Pilipinas ang desisyon ng United Nations Security Council na magpataw ng mas mabigat na economic sanctions sa North Korea.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Robespierre Bolivar, nananatili ang suporta ng Pilipinas sa iba’t ibang resolusyon ng UN Security Council.
Noong Sabado ay pawang nagpahayag ng matinding pangamba ang foreign ministers mula Association of Southeast Asian Nations member-states sa tumitinding tensyon sa Korean Peninsula na nag-ugat sa long-range missile tests ng North Korea na isang malaking banta sa global peace and security.
Kahapon naman ay pinatawan ng sanctions ng UN ang NoKor na nangangahulugang ipagbabawal ang pag-aangkat ng coal; iron, iron ore, lead, lead ore at seafood mula sa naturang bansa maging ang pag-hire sa mga North Korean laborer.
By Drew Nacino