Pormal nang naghain na ng motion for reconsideration sa tanggapan ng Ombudsman ang mga pamilya ng tinaguriang SAF 44 kasama ang VACC o Volunteers Against Crime & Corruption.
Ito ay may kaugnayan sa kanilang kahilingang ibalik sa homicide ang kaso laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino matapos ito i-downgrade ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Giit ng mga pamilya ng SAF 44, dapat ay muling pag-aralan ng Ombudsman ang pinasasampa nitong kasong graft at usurpation of authority laban sa dating Pangulo.
Anila, kanilang napatunayan ang direktang partisipasyon ni dating Pangulong Aquino sa operasyon ng SAF o Special Action Force sa Mamasapano, Maguindao para mahuli ang teroristang si Marwan.
Gayundin ang pakikipag-ugnayan ng dating Pangulo sa noo’y suspensidong hepe ng pambansang pulisya na si General Allan Purisima na anila’y dahilan kaya nabigo ang nasabing operasyon.
- Krista De Dios | Story from Jill Resontoc