Nagpataw ng mas mabigat na parusa ang Malaysia sa sinumang magpapakalat ng fake news.
Batay sa Anti-Fake News 2018 Bill pagmumultahin ng limangdaan libong (500,000) ringgits o higit sa isandaang libong (100,000) dolyar at pagkakakulong ng hanggang sampung (10) taon ang ipapataw sa mapatutunayang nagkasala.
Layon umano ng nasabing batas na protektahan ang publiko laban sa maling pagkalat ng impormasyon.
Nabatid na sakop ng batas ang mga digital publications at social media.
—-