Isinusulong ni Senator Grace Poe, ang pagpapatupad ng proposed Revised Animal Welfare Act na siyang magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga indibidwal na magsasagawa ng maltreatment at maging torture sa mga hayop kung saan makukulong ng 1 taon at 6 na buwan hanggang 3 taon ang mapapatunayang nagkasala.
Ito ay alinsunod na rin sa naging viral issue ng pagpatay sa isang Labrador Retriever na si Killua ng Camarines Sur.
Naniniwala si Senator Poe, na importante ang pagtutulungan ng buong komunidad upang matuldukan ang animal cruelty sa bansa.
Layunin din ng panukala na makabuo ng Barangay Animal Welfare Task Force na siyang magiging responsable sa pagtugon sa anumang welfare issues sa mga alagang hayop. – sa panunulat ni Jeraline Doinog