Pinatawan ng mas mabigat na sanction ng United Nations Security Council ang North Korea.
Ito ay kaugnay sa patuloy na ballistic missile test ng NoKor sa kabila ng pagtutol ng international community.
Nagkasundo ang mga bansang miyembro ng UN Security Council na patawan ng karagdagang parusa ang NoKor kabilang ang pagbawas ng 90 porsyento ng inaangkat na langis ng naturang bansa.
Kabilang sa mga pumabor sa naturang sanction ay ang China at Russia na kilalang kalyado ng NoKor.
—-