Asahan na ang mas mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila ngayong Disyembre.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, karaniwang nasa 20 hanggang 25 porsyento ang itinataas ng volume ng mga sasakyang dumaraan sa EDSA.
Ngayon pa lamang ay nasa 7,000 sasakyan na ang dumaraan sa bawat direksyon ng EDSA na mayroon lamang kapasidad para sa 6,000 sasakyan.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng MMDA na ginagawa nila ang lahat ng paraan para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila gaya ng puspusang clearing operation at pagpapaigting ng yellow lane sa EDSA.
—-