Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order na magpapabilis sa konstruksyon ng kauna-unahang ospital para sa mga overseas filipino worker.
Saklaw ng EO 154 ang pagsasagawa ng bidding ng medical equipment para sa ospital na matatagpuan sa San Fernando City, Pampanga na malapit ng matapos ang konstruksyon.
Magugunitang nabalam ang bidding dahil sa ilang legal issues na kinakaharap ng OFW hospital.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, alinsunod sa kautusan ay isang Inter-Agency Committee ang tututok sa pagtatatag ng pagamutan, na pamumunuan ng mga kalihim ng Departments of Labor at Health.
Ang nabanggit anyang proyekto ay bilang pagkilala sa malaking ambag ng mga filipino migrant worker sa ekonomiya ng bansa.
Layunin din ng OFW hospital na magkaroon ng libreng hospitalization, medical certificates, laboratory exams at iba pang pangangailangan ng mga migrant worker.