Nanawagan sa pamahalaan ang Office of the Vice President na pabilisin ang pagbabakuna sa mga lalawigan sa bansa.
Ayon kay Vice President Leni Robredo, dapat na matutukan din ang kaso sa mga lalawigan dahil mas kulang ang kanilang kagamitan lalo na pagdating sa pagbabakuna.
Hirap din ang mga LGUs sa pagsasagawa ng swab test dahil kulang ang kanilang mga gamit at hindi sapat ang mga health workers dahilan para mapilitan silang bumiyahe para sa resulta ng mga swab test sa kanilang lugar.
Aniya, dapat na mas palakasin pa ng gobyerno ang pagbabakuna partikular sa mga rehiyon na mabagal ang paghahatid ng mga bakuna.—sa panulat ni Angelica Doctolero