Pagsisikapan ng kapulisan ang mas mabilis na paghahatid ng serbisyo sa publiko sa taong ito.
Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rodolfo Azurin Jr. sa tradisyunal na “New year’s courtesy call” ng mga mataas na opisyal ng ahensya.
Kabilang dito ang paglilisensya ng baril, paglalabas ng police clearance, pagbibigay ng mga benepisyo sa mga pensiyonado at sugatang pulis.
Ikinalugod naman ni Azurin, na sa kabila ng lahat ng hamon na hinarap ng PNP sa nakalipas na taon ay matagumpay na nagampanan ng ahensya ang kanilang mandato, kung saan puspusan nitong naisulong ang kampanya kontra sa krimen, ilegal na droga, at korapsyon.
Samantala, nagpasalamat si Azurin sa lahat ng mga opisyal ng PNP, sa suporta at pakiiisa sakanyang liderato sa nakalipas na taon.