Pinag-aaralan na Ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga paraan para mapadali ang paglalabas ng Overseas Employment Certificate (OEC) sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.
Ito ay sa gitna ng apela ng mga Overseas Foreign Workers (OFWs) para sa mas mabilis na proseso ng deployment sa abroad.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio, ang OEC ay nagsisilbing exit clearance na iniisyu sa mga OFW at patunay sa regularidad ng kanilang recruitment.
Giit pa niya na proteksyon ng mga nasabing indibidwal ang OEC.
Nabatid na bago pa man magkaroon ng DMW, ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang nagbibigay ng nabanggit na certificate sa OFWs.
Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naturang kagawaran at Department of Information and Communications Technology (DICT) na iprayoridad ang automation ng mga kontrata.