Posibleng humupa na ang epekto ng pandemiya ng COVID-19 sa ikalawang bahagi ng 2022.
Ito ang pagtaya ang feng shui at paranormal expert na si Tony Suvega sa pagpasok ng bagong taon.
Sa panayam ng DWIZ kay Suvega, sinabi niyang dahil ang 2022 ay taon ng water-tiger, mas dapat bantayan ay ang matitinding kalamidad.
“Kasi yung tinatawag natin na sa pandemya na yan, ang tawag namin sa feng shui niyan, violence with the air. Ngayon, tapos na yung violence with the air. Ang pumapasok na violence is violence with the metal. Yun ang problema, kasi ang violence with the metal which means maraming disgrasya na may kinalaman sa all kinds of transportation land, air, sea and water.”
Gayunman, sinabi ni Suvega na malaki ang tsansang makabawi ang ekonomiya sa susunod na taon.
“Umaakyat ang ano natin, aakyat ang ekonomiya sa buong daigdig. Halos yung iba makakaraos na, yung iba naman ay hahabol.”
Pero para naman sa feng sui expert na si Master Hans Cua, walang mabisang pangontra sa mga naka-ambang kalamidad kungdi panalangin.
“Ang pinaka essence pa rin po is prayers so they can get money ritual, ang prosperity money bar, ang labing dalawang klaseng prutas. Syempre bago pumasok ang bagong taon, dapat po ah nakapag declutter, nakapaglinis na po tayo ng bahay. Tanggalin ang mga kalat, mga basura, mga dapat itapon mag general cleaning tayo upang ang swerte ay pumasok.” yan ang pahayag ng mga feng shui expert na sina Tony Suvega at Hanz Cua sa panayam ng DWIZ.