Naghahanap ang Department of Health (DOH) ng espesyal na uri ng syringe o hiringgilya na tinatawag na ‘low dead space syringe’ kung saan mas maraming dose ito na nakukuha kumpara sa ordinaryong klase ng syringe.
Ayon kay Philippine General Hospital (PGH) Director Dr. Gerardo Legaspi, nahihirapan silang hanapin ang ganitong uri ng syringe dahil sa dami ng naghahanap nito sa buong mundo.
May nakita namang supplier ang DOH subalit hindi anila kakayanin ng nakalaang budget ang presyong ibinigay ng supplier dahil masyadong mataas ang presyo nito.
Pagtitiyak naman ni Health Secretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa naman problema sa ngayon ang espesyal na klase ng syringe na ito dahil aniya’y kasama ito sa darating na package ng bakuna mula sa Pfizer.
Kaugnay nito, apat na libo na ang na-train ng kagawaran ng kalusugan na magbabakuna oras na dumating na ang bakuna sa bansa, habang patuloy pa rin itong nangangailangan ng 50,000 na tagabakuna para sa priority sector.—sa panulat ni Agustina Nolasco