Itinuro ni Riles Network Spokesman Sammy Malunes, ang pagkakaroon ng iba’t ibang provider na susuri sa bawat aspeto ng operasyon ng tren, na dahilan kung bakit nagkakaroon ng aberya sa operasyon ng Metro Rail Transit o MRT.
Mas mabuti aniya sana kung iisang kumpanya lamang ang magiging responsable sa lahat ng aspeto, katulad ng ibinigay na responsibilidad noon sa Sumitomo Corporation.
Hindi rin aniya katanggap – tanggap na sa Nobyembre pa maiibsan ang pasanin ng mga pasahero ng MRT, gayung noong nakaraang taon pa sana nagamit ang mga bagong bagon mula sa Dalian Locomotives.
“Yun sanang pag purchase ng train, yang darating, ay dapat alam niya na, na pagdating mapapatakbo base sa kanyang declaration. Yung uphold ay discipline na approach ay isa iyon sa problema kung bakit hindi napatakbo ang train. Iba yung mag re-rehabilitate ng ating itinerary , iba yung mag rehabilitate sa truck, iba yung mag rehabilitate sa signalling system, iba yung mag rehabilitate sa ating rolling”, ani Malunes.
Iminungkahi rin ni Malunes ang pagsasalalim ng lahat ng light rail operations ng bansa sa Light Rail Transit Authority, sa halip na sa mga pribadong kumpanya.
“Ang panukala ho ngayon, lahat ng light rail transit ay ilagay sa isang pangangasiwa under the Light Rail Transit Authority”, bahagi ng pahayag ni Riles Network Spokesman Sammy Malunes, sa panayam ng DWIZ.
By Katrina Valle | Karambola Program (Interview)