Nagbabala kahapon sa Agriculture at Power Sectors gayundin sa publiko ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mas mahabang El Niño phenomenon.
Ayon kay Flaviana Hilario, acting Deputy Administrator for Research and Development ng PAGASA, inaasahan ang paglakas pa ng El Niño condition pagpasok ng buwan ng Agosto ngayong taon.
Sinabi naman ni Anthony Lucero, Officer-in-Charge ng PAGASA Climate Impacts Monitoring and Prediction Section, na karamihan sa mga lugar sa Pilipinas ay makakaranas ng below normal rainfall sa ikalawang bahagi ng taon.
Idinagdag pa ni Lucero na sa Hunyo pa ng taong kasalukuyan inaasahan ang pag-ulan sa bansa.
Sa Hulyo aniya ay mararanasan ang above normal rainfall sa Visayas at below normal rainfall naman sa Luzon at Mindanao.
Mula Agosto hanggang Nobyembre naman mararanasana ang below normal rainfall sa buong bansa.
By Mariboy Ysibido