Asahan na ang mas mahabang gabi kaysa araw simula ngayong buwan.
Ito’y bunsod ng winter solstice na isang astronomical phenomenon kung saan naabot ng araw ang pinakamalayo nitong posisyon mula sa equator.
Ayon sa PAGASA, dakong alas-6:44 kagabi nang maganap ang winter solstice na hudyat ng pagsisimula ng winter sa northern hemisphere habang summer sa southern hemisphere.
Sa Pilipinas, simula pa lamang noong Disyembre 17 ay nakararanas na ng mas mahabang gabi na inaasahang tatagal hanggang 26.
Umaabot naman ng 12 oras at 46 na minuto ang gabi simula December 17 sa Metro Manila habang sa Basco, Batanes ay nakaranas ng 13 oras ng gabi.
By Drew Nacino