Mararanasan na ng Pilipinas simula ngayong araw na ito ang mas mahabang gabi na tinaguriang Autumnal Equinox
Ipinabatid ng PAGASA na magaganap ang Autumnal Equinox mamayang alas Diyes trentay uno ng gabi
Dahil dito asahan na ang mas mahabang gabi dahil gagalaw ang araw pababa sa celestial equator sa direksyong patungong southern hemisphere
Ayon sa PAGASA ang vernal equinox ay nagaganap tuwing March 20 o March 21 na hudyat nang pagsisimula ng spring samantalang ang autumnal equinox ay nangyayari tuwing September 22 0 23 na senyales na rin ng pagsisimula ng autumn
By: Judith Larino