Inanunsiyo ng Social Security System (SSS) ang pinalawig pa nilang operational hours at dagdag na personnel sa mga branches sa Metro Manila.
Sa inilabas na pahayag ng SSS, bukas na ang mga braches nito sa National Capital Region (NCR) tuwing alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng hapon.
May mga SSS branch naman na magbubukas ng Sabado at karagdagang personnel ang ide-deploy dito.
Kasabay nito, palalakasin ng SSS ang kanilang online platform upang mas maraming miyembro ang matulungan.
Ang mga ito ay ilan laman sa direktiba ng bagong upong presidente ng SSS na si Michael Regino. —sa panulat ni Abby Malanday