Pinayagan na ng lokal na pamahalaan ng Tagaytay City na mag-operate ng mas mahabang oras ang mga restaurant sa lungsod.
Sa Executive Order No.394 ni Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino, maaari nang mag-operate hanggang alas-10 ng gabi ang mga restaurant sa lugar.
Gayunman, dapat pa ring ipatupad ang 30% maximum seating capacity sa mga kainan, at 50% seating capacity sa al fresco dining.
Tanging mga nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 ang pinapayagan na mag-dine in sa mga restaurant sa Tagaytay.
Una nang inanunsiyo ng lokal na pamahalaan, na 70% ng kanilang populasyon ang nabakunahan na kontra COVID-19.