Isinusulong ni Senator Robinhood “Robin” Padilla sa senado ang isang mas mahigpit na panukalang batas kontra sa mga sindikatong sangkot sa illegal recruitment at human trafficking.
Layunin ng Senate Bill 2216 na inihain ng Senador na amyendahan ang Article 38 (B) ng Presidental Decree 422 Labor Code of the Philippines at Section 6 ng Republic Act 8042 ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.
Iginiit ni Sen. Padilla na sa kanyang panukalang batas ay pasok na sa “illegal recruitment committed by syndicate” kung dalawang tao, sa halip ng kasalukuyang tatlo indibidwal ang nagsabwatan para gawin ang krimen.
Dagdag pa ni Sen. Padilla, sakaling maging batas ang panukala, magiging mas ligtas at patas ang pagre-recruit ng mga pilipino para sa trabaho sa ibayong dagat.
Naniniwala din ang Senador na sa ilalim ng panukalang batas ay mas mapo-proteksyunan ang mga mangagawang Pilipino, mapipigilan ang Economic Sabotage, at maisusulong ang Economic Development ng bansa.