Mas mahigpit na border control at kahandaan ng mga ospital.
Ito ang inirekomenda ng Department of Health (DOH) sa pulong ng Inter-Agency Task Force kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa harap na rin ng banta ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.
Maliban dito, inirekomenda rin ni DR. Anna Ong Lim ng DOH Technical Advisory Group sa mga lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng localized lockdown at mahigpit na pagmo-monitor sa endorsed arrivals o mga pumapasok sa kanilang mga nasasakupan.
Ayon pa kay Lim, mahalaga ring palakasin ang health care system sa iba’t ibang lugar sa bansa.