Hindi pa kailangang ibalik ang mas mahigpit na border restrictions sa Pilipinas matapos madiskubre ang mga bagong sub-variant ng Omicron sa ibang bansa.
Nilinaw ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na bagaman hindi pa naman nila inirerekomendang maghigpit muli, mananatili silang mapagmatyag.
Ayon kay Vergeire, nakatutok din sila sa sitwasyon at handa ang healthcare system ng bansa, partikular ang mga ospital sakaling magtuloy-tuloy ang pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Kailangan anyang matiyak na nananatili sa minimum level ang bilang ng severe at critical patients at hindi pa dapat mangamba sa ngayon ang publiko dahil epektibo pa naman ang mga bakuna bilang proteksyon.
Kamakailan ay nadiskubre ang Omicron BA.2.75 (Centaurus), na posibleng mas nakahahawa sa India, US at iba pang bansa habang natukoy din ng World Health Organization sa Shanghai ang Omicron subvariant BA.5.2.1.