Asahan na ang mas mahigpit na pagpapatupad ng checkpoints sa ilang bahagi ng Metro Manila at karatig lalawigan.
Kasunod ito ng muling pagsasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ng mga nabanggit na lugar.
Ayon kay Joint Task Force COVID Shield Commander Lt. General Guillermo Eleazar, paiiralin pa rin ang mga panuntunan batay sa mga naunang protocol para sa MECQ.
Sinabi ni Eleazar, wala nang bago sa kasalukuyang MECQ dahil naranasan na rin ito sa naunang buwan ng quarantine.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Eleazar ang publiko na tiyaking kabilang sa Authorized Persons Outside Residence (APOR) at naghahanap-buhay sa mga pinapayagang industriya bago lumabas ng bahay.
Ito ngayon ang pinagtutuunan ng pansin at dapat malaman ng ating mga kababayan na alamin niyo kung ang inyo bang line of work or indistry ay permitted, kasi, kung kayo ay hindi permitted, huwag na po kayong lalabas ng bahay. At para naman po doon sa mga bahagi ng workforce ng mga permitted industries na alam naman nating ‘yung ibang mga permitted agencies ay magiging mas kokonti na ang percentage ng kanilang workforce, kung kayo po ay lalabas, siguraduhin lamang po na work-related ang travel niyo,” ani Eleazar. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas