Posibleng magpatupad ng mas mahigpit na granular lockdown ang local Inter Agency Task Force (IATF) on COVID-19 sa Olongapo City.
Ito’y dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ayon kay Mayor Rolen Paulino Jr., pinagaaralan na pagpapatupad ng localized lockdown sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga paritkular na lugar sa lungsod kung saan mataas ang transmission rate.
Inaasahan na sa hakbang na ito ay mapipigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Maliban dito, nakipag-ugnayan na rin aniya ang lokal na pamahalaan sa mga Pulis para sa mas mahigpit na checkpoints sa lugar at pagtitiyak na nasusunod ng mga residente ang minimum health standards na ipinatutupad.