Mananatiling mahigpit na pagpapatupad ng umiiral na minimum health standards kahit pa isailalim na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang malaking bahagi ng bansa.
Ito ang tiniyak ni Trade Secretary Ramon Lopez, sa gitna ng umuugong na isyu ng pagsasailalim na sa MGCQ ng Metro Manila.
Ayon kay Lopez, hindi nangangahulugang tatanggalin o magluluwag sa mga patakaran kontra COVID-19 o health protocol kapag isinailalim sa MGCQ ang mas malaking bahagi ng bansa.
Sa katunayan aniya ay mas maghihigpit pa upang matiyak ang pag-iingat ng lahat kontra pagkalat ng COVID-19.
Iginiit ni Lopez, hindi lamang sa mga community quarantine mapipigil ang pagkalat ng COVID-19 kundi mas higit sa mahusay na pagpapatupad ng minimum health standard, testing contact tracing at isolation,
Sinabi ni Lopez, inirekomenda niyang maibaba na sa MGCQ ang kasalukuyang umiiral na GCQ sa Metro Manila para mas marami nang negosyo ang makapagbukas at mas maraming manggagawa na rin ang makabalik sa trabaho. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)