Dalawang linggo bago ang halalan, inaasahan ang mas mahigpit na tunggalian sa pagka-bise presidente.
Ito ay base sa prediksyon ni Prof. Ronald Holmes, presidente ng Pulse Asia.
Sinabi ni Holmes na kung pagbabatayan ang mga nakalipas na survey ng Pulse Asia, mapapansin aniya na halos walang gumagalaw at mayroon naman na bahagyang umaakyat.
Idinagdag pa ni Holmes na kapag nilagay mo ito sa tinatawag na “line chart”, mapapansin na halos magkakalapit na ang mga kandidato sa vice presidential race.
Base sa inilabas na Pulse Asia survey noong Linggo, nangunguna si Senador Bongbong Marcos na may 29-percent voter preference rating na sinundan ni Camarines Norte Representative Leni Robredo na may 23-percent.
By Meann Tanbio